-- Advertisements --

Agad na bibigyan ng tulong ng gobyerno ng Pilipinas ang 23 Filipino domestic workers na apektado ng malaking sunog sa Hong Kong.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang isang OFW ay dinala pa sa pagamutan habang isa namang Filipino ang naiulat na nawawala.

Dagdag pa ng DFA na wala pa silang kumpirmasyon na mayroong Pinoy ang nasawi sa insidente.

Magugunitang aabot na sa mahigit 80 katao na ang nasawi at mahigit 200 iba pa ang nawawala sa sunog na naganap sa Wang Fuk Court complex sa Tai Po, Hong Kong.