-- Advertisements --

Binabalewala ni dating House Speaker Martin Romualdez ang isinasangkot sa kaniya sa mga anomalya ng flood control projects.

Sinabi nito, nananatiling malinis ang kaniyang konsensya kahit na nadawit siya sa imbestigasyon ng ndependent Commission for Infrastructure’s (ICI) .

Ipinagmalaki din nito na boluntaryo niyang hinarap ang mga imbestigador at ipinapaubaya na lamang niya ang lahat sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Ade Fajardo na ipinagpapatuloy pa rin nito ang kaniyang trabaho bilang Leyte representatives.

Naniniwala din ito na magkakaroon ng patas at kumpleto ang imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.