-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ginawang flight ng Starship ng SpaceX.

Mula sa Starbase, Texas ng ilunsad ang tinaguriang pinakamalakas na rocket na ginawa.

Matapos na maabot nito ang orbit ay nailagay nila ang 26 operational Starlink V3 satellites.

Matapos ang ilang oras na pananatili sa orbit ay bumagsak ito sa bahagi ng Pacific Ocean.

Mas maikli ang oras na ito kumpara sa orihinal na 10 oras sana ang pananatili nito sa kalawakan.

Nagpaabot naman ng pagbati si NASA Administrator Jared Isaacman sa SpaceX matapos ang nasabing tagumpay.

Inaasahan kasi sa susunod na taon ay isasagawa ng SpaceX ang moon landing.