Ligtas ang 81 na Pinoy seafarers na dumaan sa Strait of Hormuz.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na ang nasabing mga 81 na Pinoy seafarers ay lulan ng apat n barko.
Ang mga barko ay kinabibilangan ng MV Western Doncaster, MV Vivian Trader, MV Lyng Trader, at MV Eva Fuji ay nakumpleto ang kanilang paglayag sa nasabing lugar sa pagitan ng Hunyo 24 hanggan Hulyo 1.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng muling pagsiklab ng labanan sa pagitan ng US at Iran.
Pinasalamatan ng DFA ang papel ng United Nations at International Martime Organization (IMO) sa pagsuporta sa mga civilian shipping at pagsasaayos sa mga paglilikasng mga seafarers na apektado ng kaguluhan.
Sa nasabing pagtutulungan ng UN at IMO ay nakapagpalikas na sila ng nasa 136 na mga barko at mga 2,900 na mga seafarers.
















