-- Advertisements --
Pumanaw na si Benjamin Satterley ang kilalang English wrestler sa edad na 40.
Kinumpirma ng All Elite Wrestling ang pagpanaw ni Satterley o kilala sa ring na si Pac.
Ayon sa AEW, na nagsimula ang career ni Pac noong 2004 at mula noon ay nagtatanghal ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Hindi naman na binanggit ng kumpanya ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Pumirma si Pac sa All Elite Wrestling noong 2019 kung saan mayroon itong mga nakamit na AEW Championship at nakipaglaban sa iba’t-ibang laban sa AEW.
Lumaban din siya sa WWE sa ilalim ng pangalan na Neville at naging kilalal sa aerial attacks at explosive style.
Dahi dito ay kinilala siya bilang “King of Cruiserweights” at “The Man That Gravity Forgot”.















