-- Advertisements --

Pumanaw na ang Wrestling legend na si Hulk Hogan sa edad na 71.

Kinumpirma ng WWE ang pagpanaw ng wreslting legend o Terry Bollea sa tunay na buhay.

Hindi naman binanggit pa ng WWE ang sanhi ng kamatayan ng sikat na wrestler.

Ayon naman sa kampo nito nagkaroon ito ng cardiac arrest sa kaniyang bahay sa Clearwater, Florida.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi dineklarang dead on arrival.

Nagsimula itong sumabak sa wrestling noong 1977 at nakilala sa wrestling sa dekada 80 at 90.

Taong 2018 ng muli itong naibalik sa WWE Hall of Fame matapos na tanggalin dahil sa pagiging racist nito.