-- Advertisements --

Nagtapos na ang 24-taong karera ni John Cena sa WWE matapos siyang matalo ni Gunther sa kanyang huling laban sa Saturday Night’s Main Event sa Capital One Arena noong Sabado (oras sa Amerika).

Ang 17-time world champion ay nagtapos ng kanyang wrestling journey sa pamamagitan ng isang submission loss sa kamay ni Gunther.

Sa naging laban, ipinakita ni John Cena ang kanyang mga signature moves, ngunit nakuha ni Gunther ang tagumpay matapos isagawa ang isang sleeper hold na nagpilit kay John na mag-tap out.

Ang tagumpay ni Gunther ay itinuturing na malaking hakbang sa kanyang karera.

Nagbigay ng mga tribute si John mula sa mga fan at kasamahan sa WWE. Kung saan present ang mga WWE legends tulad nina Shawn Michaels, Triple H, Rey Mysterio, at AJ Styles sa ringside upang magbigay galang kay Cena.

Sa gitna ng chants ng mga fans na “Thank you Cena,” inalis ni Cena ang kanyang mga sapatos, wristbands, at ang kilalang “Never Give Up” armband bilang simbolo ng pagtatapos ng kanyang karera.

Inihayag ng WWE ang pasasalamat sa pamamagitan ng isang post na nagsasabing: “One final goodbye. Thank YOU, @JohnCena.”

Matatandaan na si John Cena ay nagwagi sa kanyang huling taon sa WWE, kasama na ang pagtatagumpay sa WrestleMania para sa kanyang ika-17 na world title.