-- Advertisements --
Ipinagpaliban ni wrestling legend Ric Flair ang kaniyang meet-and-greet sa mga fans sa Mississippi.
Ayon sa kampo ng 76-anyos na wrestler na sumama ang pakiramdam niya bunsod na rin ng kaniyang pakikipaglaban nito sa melanoma.
Sa social media account nito na kailangan niya munang bigyang prioridad ang kalusugan.
Tiniyak naman nito sa mga fans na siya ay babalik kapag tuluyan ng gumaling sa sakit.
Magugunitang noong 2017 ay muntik na siyang masawi dahil sa multiple organ failure.
Habang noong 2023 ay sumailalim siya sa operasyon para lagyan ng pacemaker ang puso.