-- Advertisements --

Dinala na sa pagamutan si wrestling legend Ric Flair matapos na ito ay matumba sa labas ng restaurant sa Florida.

Ayon sa mga otoridad na biglang nahulog sa hagdan sa labas ng kinainan nitong restaurant sa Tampa, Florida.

Mabilis naman na rumesponde ang mga rescue team at siya ay dinala sa pagamutan.

Ilang oras bago ang insidente ay naglabas ito ng pahayag na hindi siya makakadalo sa isang fan convention sa Seattle dahil sa pinagbabawalan pa ito ng kaniyang doktor na bumiyahe ng malayo.

Hindi lamang ito ang pagkakadala niya sa pagamutan dahil noong 2017 ay muntik na itong mamamatay matapos ang intestinal rupture kung saan namalagi ito sa intensive care unit ng ilang linggo.