-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US golf star Tiger Woods na ito ay magpapagamot sa ibang bansa.
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng kaniyang pagkakaaresto dahil sa pagmamaneho ng nakainom.
Pinayagan na rin ito ng korte na makabiyahe sa ibang bansa.
Sinabi ng kaniyang abugado na si Douglas Duncan na kaya pinili nila sa ibang bansa magpagamot ay dahil sa nakompromiso na ang kaniyang privacy sa US.
Magkakaroon kasi ng negatibong epekto ito sa kaniyang gamutan kapag sa US lamang siya nagpagamot.
Tiniyak naman nito na handa silang humarap sa korte kung kinakailangan ang kaniyang presensya.














