-- Advertisements --

Suspendido ng limang taon ang drivers license ni American golf star Tiger Woods.

Bahagi ito ng kaniyang plea bargain sa mga prosecutors para mabawasan ang kaniyang kaso na driving under the influence dahil sa aksidenteng kinaharap niya Florida.

Bukod sa nasabing suspendido ang lisensiya nito ay tinaggap din ni Woods ang pagbabayad ng nasa $1,000 bilang bahagi ng kasunduan sa Martin County, Florida.

Naaresto si Woods noong Marso matapos ang self-accident kung saan nagpositibo ito sa breathalyser subalit hindi na pumayag pa na sumailalim sa anumang drug test.

Una ng naghain ang 50-anyos na si Woods ng not guilty plea dahil sa misdemeanor charges at nagpasya itong sumailalim sa rehabilitation.