-- Advertisements --

Nasangkot sa panibagong aksidente si golf legend Tiger Woods.

Nangyari ang insidene sa Jupiter Island, Florida kung saan bumaligtad umano ang sasakyan nito.

Inaalam pa ng Martin County Sheriff’s Office ang sanhi ng nasabing aksidente.

Ang 50-anyos na si Woods ay nagbabalik sa paglalaro ng golf matapos ang Achilles injury at pagsasailalim sa ikapitong operasyon sa likod noong nakaraang taon.

Ang 15-time major winner ay naglaro na sa The Golf League noong nakaraang mga linggo.
Magugunitang noong 2021 ng masangkot din sa car accident si Woods sa Los Angeles.