-- Advertisements --
Pumanaw na ang legendary Japanese golfer na si Masashi “Jumbo” Ozaki sa edad na 78.
Kinumpirma ng kaniyang anak na ang pagpanaw matapos na dapuan siya ng colon cancer.
Si Ozaki ay nagwagi ng 94 na beses sa Japan Tour kung saan unang titulo niya ay kaniyang nakamit noong 1973.
Nagwagi rin ito ng Order of Merit ng 12 beses.
Tinagurian itong Jumbo dahil sa haba ng kaniyang tee kung saan noong 2011 ay hinirang siya sa World Golf Hall of Fame.
















