Mariing binatikos ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang paggamit ng mga “ad hominem” o persona na pag-atake laban sa mga opisyal at mambabatas ng naninindigan para sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS)
Ito ang naging tugon ni Lacson matapos magpahayag si Rep. Paolo Henry Marcoleta ng gawing bala sa kanyon ang isang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard at ilang senador kung sakaling magdeklara ng giyera ang China laban sa Pilipinas.
Kaugnay ang mga naging pahayag ng batang Marcoleta matapos batikusin ang kanyang ama dahil sa mungkahing isuko ang Kalayaan Island Group (KIG).
Kasunod nito hinikayat ni Lacson ang nakababatang Marcoleta na bisitahin ang Pag-asa Islan sa KIG na bahagi ng lalawigan ng Palawan, upang personal na makita at maranasan ang maayos at gumaganang lokal na pamahalaan sa lugar.
Binigyang-diin din ng senador na ang KIG ay isang munisipalidad ng Palawan na may buhay na kumoninadad at pamahalaan kung saan ibinahagi pa niya na sankanyang pagbisita doon, natunghayan niya mismo ang pag-aaligid ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa lugar at hinimok ang mga nakatalagang militar na huwag tumigil sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa.
Matatandaan na sa isang pahayag sa internet noong Pebrero 6, tinawag ng nakababatang Marcoleta na “taksil” ang mga naninindigan sa para sa WPS at nilalagay lamang umano sa panganib ang mga Pilipino.
















