Iginiit ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na hindi maaaring iapela ang magiging hatol ng Senate impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, walang remedy para sa appeal o review sakaling ma-acquit o ma-convict ang isang impeached official.
Aniya, tanging posibleng pagdulog sa Supreme Court ay kung may mapatunayang grave abuse of discretion na nagresulta sa kawalan o paglampas sa jurisdiction.
Binigyang-diin niya na ang Senado ang may sole power na mag-trial at magdesisyon sa impeachment cases.
Limitado rin ang epekto ng impeachment judgment sa removal sa puwesto at disqualification sa paghawak ng public office.
Sinabi ni Luistro na naging maingat ang impeachment court sa pagresolba sa voting threshold issue, kabilang ang pagkuha ng amici curiae, pagdaraos ng oral arguments at deliberations bago bumoto ang senator-judges.
Nauna nang bumoto ang impeachment court ng 13–1, habang anim na Senator-judges ang Hindi lumahok, upang ibatay ang two-thirds conviction threshold sa mga Senador na legal at aktuwal na makalalahok sa oras ng judgment.
















