-- Advertisements --
Pasok na ang pambato ng Pilipinas na Alas Women volleyball team sa Asian Games Quaterfinals matapos nilang manguna sa Round of 16 ngayong Lunes, September 28 na ginanap sa Hekinan Ryokuchi Beach Court.
Nagpakita ng husay, teamwork, at magandang chemistry ang koponan ng Pilipinas na sina Sofiah Pagara at Khy Progella at tinalo ang team Hong Kong na sina Wong Man Ching at Ngok Ling Tsang, sa scores na 26-24, 21-18.
Susunod naman na makakaharap ng dalawang Pinay ang host representative na sina Non at Ren Matsumoto sa Setyembre 30.
















