-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pamamahagi ng 73 Unified 911 motorcycles sa mga kapulisan sa Metro Manila.

Ginawa ang pamamahagi nito sa Camp Bagong Diwa sa headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Remulla na ang nasabing mga motorsiklo ay para mapabilis ang pagresponde ng kapulisan sa anumang mga krimen.

Nakatanggap ng tig-18 motorsiklo sa Lungsod ng Maynila at Pasay City habang mayroong 14 naman sa lungsod ng Taguig; 13 naman sa Quezon City at 10 motorsiklo sa Pasig City.

Binigyang halaga ni Remulla ang bilis ng pagresponde lalo na sa Metro Manila na nagkakaroon ng trapiko sa kalye, at sikip ng kalsada kaya minabuti nilang ang gagastusin sana sa mga patrol cars ay sa mga motorsiklo na lamang para makapagresponde agad sa mga tao.

Kabilang na dumalo sa nasabing turn-over ay sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, PNP Deputy Chief for Operations PLtGen Wilson Joseph Lopez, NCRPO Officer-in-Charge PBGen Christopher Abrahano, Burearu of Fire Protection Officer-in-Charge Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, at DILG NCR Regional Director Ma. Lourdes Agustin at mga iba’t-ibang District Director at Chief of Police ng Metro Manila.