-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng aktres na si Lauren Young ang pag-alok sa kaniya ng kasal ng partner na si Toby Panlilio.

Sa social media account ng aktres, nagpost ito ng mga larawan ng isinagawang proposal.

Naganap ang nasabing wedding proposal noong nagbakasyon sila sa Sapporo, Hokkaido sa Japan.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng aktres ay makikita ang pagluhod ng nobyo ganun din ay ipinakita nito ang engagement ring.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at mga kaanak.

Si Lauren ay kapatid ni dating beauty queen Megan Young habang si Toby ay kapatid ng asawa ni Dani Barretto na si Xavi ganun din kapatid ng asawa ni Michelle Gumabao na si Aldo.