Nagpasya ang mga otoridad sa Japan na kanselahin ang cherry blossom festival ngayong taon.
Kasunod ito sa pagbuhos ng mga turista sa bayan ng Fujiyoshida.
Nagresulta ang pagdami ng mga turista sa matinding trapiko at kalat.
Ilang residente ang nakaranas ng pagpasok ng mga turista o pagsira ng kanilang pribadong hardin.
Ang nasabing lugar kasi ay umaakit ng maraming turista kada taon dahil sa mga ganitong panahon ay nagiging malago ang mga mga puno ng cherry.
Mas lalong naging kaakit-akit pa ito dahil sa background ay makikita ang sikat na Mount Fuji.
Sinabi ni Fujiyoshida mayor Shigeru Horiuchi na isinagawa ang pagpapasya para maprotektahan ang kabuhayan ng kanilang mamamayan.
Magugunitang noong Abril 2016 ng ianunsiyo ng mga otoridad na kanilang bubuksan ang Arakurayama Sengen Park para sa mga turista.
Sa nasabing parke ay makikita ang panoramic view ng lungsod mula sa kanilang Pagoda at ilang mga kaakit-akit na mga view.
Sa ngayon ay hindi bababa sa 10,000 bisita ang nagtutungo sa lugar kada araw kaya nahirapan na rin ang mga otoridad na kontrolin ang mga ito.
















