-- Advertisements --

Nakauwi na sa kaniyang bahay si golf star Tiger Woods matapos na ito ay sumailalim sa rehabilitation sa Switzerland noong Abril.

Sakay ng kaniyang private jet na Gulfstream G550 ay lumapag ito sa Palm Beach International Airport.

Mula kasi noong Abril 3 ay nasa exclusive, ultra-expensive Swiss rehab facility si Tiger Woods.

Nagpasya itong sumailalim sa rehab matapos na ito ay maaksidente noong Marso 27 sa Jupiter, Florida kung saan ito umano ay nakainom habang nagmamaneho.

Pinayagan siya ng judge na sumailalim sa rehabilitation sa Switzerland.

Nahaharap kasi si Woods ng misdemeanors na ang isa ay sa DUI at ang isa naman ay dahil sa pagtanggi nito sa urine test matapos ang aksidente.