-- Advertisements --

Nakakulong na ngayon ang golf legend na si Tiger Woods matapos na maaresto dahil sa hinihinalang nagmamaneho habang nakainom ng nakakalasing na inumin.

Sinabi ni Martin County Sheriff John Budensiek, nagmamaneho ng kaniyang Range Rover ang 50-anyos na si Woods sa Jupiter Island, Florida ng iwasan ang isang truck.

Dahil sa insidente ay bumaligtad ang sasakyan ni Woods.

Pagdating ng mga kapulisan ay nakita ng mga kapulisan ang ilang senyales na ito ay lasing.

Nakikipagtulungan naman sa imbestigasyon si Woods subalit tumanggi itong sumailalim sa urine test para malaman kung ito ay nakainom.

Hindi naman lumabas sa kanilang breathalyzer test na nakainom ng alak si Woods subalit nagmatigas itong sumailim sa urine test.

Sakaling mapatunayan ito ay nakainom ng alak habang nagmamaneho ay mahaharap ito sa mga kasong driving under the influence , property damage at refusal to submit lawful test.