-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Florida ang US rapper na si Kodak Black.

Ayon sa Broward County jail, nahaharap ito sa kasong pagtakas sa mga law enforcement at resisting an officer without violence.

Nakapiit na ang rapper dahil sa dalawang kaso at nakalista ito bilang pending trial.

Paliwanag naman ng abogado nito na si Bradford Cohen na boluntaryo itong sumuko at maaring abutin ito ng limang buwan sa pag-iimbestiga.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay naaresto ang rapper dahil sa kasong drug trafficking.

Nakadiskubre ang mga kapulisan ng nasa 25 gramo ng MDMA matapos na rumesponde sila sa isang barilan malapit sa bahay ni Kodak.

Naghain ito ng $75,000 na piyansa at inatasan siya na lumayo mula sa iligal na droga.