Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit 2.2 metric tons ng mga nakumpiska nilang iligal na droga.
Ayon sa PDEA ang nasabing mga droga ay nagkakahalaga ng P12.34 bilyon.
Sinira nila ang nito sa pamamagitan ng paglalagay sa incineration sa waste management plant sa Cavite nitong Huwebes,Agosto 27.
Dagdag pa ng PDEA na ito na ang pinakamaraming halaga ng droga na kanilang sinira ngayong taon.
Kinabibilangan ito ng mahigit dalawang milyong gramo ng solid substance at mahigit 100 milyong milliliters ng liquid dangerous drugs.
Ang mga droga ay kinabibilangan ng mahigit 1,774,023.9425 gramo ng methamphetamine hydrocloride o kilala bilang shabu na may tinatayang halaga ng P12.06 bilyon.
Karamihan sa nasabing mga droga ay nakumpiska sa drug operations sa Valenzuela City.
Tiniyak naman ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang kampanya laban sa mga iligal na droga sa bansa.
















