-- Advertisements --

Sugatan ang rapper na si Offset matapos na ito ay barilin habang nasa isang sikat na casino sa Florida.

Ayon sa representatives ng rapper na bigla na lamang binaril ang rapper habang ito ay nasa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida.

Dinala agad sa pagamutan ang rapper at ito ay patuloy na nagpapagaling habang naaresto ng mga otoridad ang sangkot na suspek.

Nagpapatuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pamamaril.