-- Advertisements --

Iginiit ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang ibibigay na VIP o special treatment para kay dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang ilipat sa kustodiya ng ahensya mula sa PNP-CIDG.

Ayon sa BJMP, sa oras na tuluyang ma-discharge si Romualdez sa ospital at alinsunod sa kautusan ng korte, agad siyang ililipat sa Quezon City Jail Male Dormitory na matatagpuan sa Barangay Payatas.

Kasalukuyang nakakulong ang dating opisyal habang dinidinig ang kanyang mga kinakaharap na kaso kaugnay ng kontrobersiyal na flood control scandal at plunder sa Sandiganbayan.

Makakasama ng mambabatas sa Payatas sina Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Jinggoy Estrada at dating Rep. Mike Defensor.