-- Advertisements --

Nakipagpulong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na nagbigay ng kaniyang testimonya ang dating Kalihim.

Tinawag ni Remulla na ang mga pahayag ni Bonoan ay mahalaga sa kanilang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

Sa mga susunod na araw ay makikipagpulong si Remulla sa mga prosecutors dahil ayaw nitong matulog ang kaso.

Una ng pinayagan ng Ombudsman si Bonoan na maging state witness as kasong graft na may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.