-- Advertisements --

Nagpatupad na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa Eastern Visayas matapos ag pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr doon na state of calamity.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, na agad silang gumalaw para maprotektahan ang mga mamimili sa mga abusadong negosyante na sasamantalahin ang pagkakataon.

May mahigpit na rin silang ginagawan monitoring sa lugar para malaman kung mayroong sapat na suplay at hindi tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Magugunitang idineklara ng Pangulo ang State of Calamity sa nasabing rehiyon matapos ang pagsasaayos ng 2.16 kilometro na San Juanico Bridge na siyang nagdudugtong sa mga isla ng Samar at Leyte.