-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa.

Kinumpirma ni NBI spokesperson Palmer Mallari ang pagsuko ni Espinosa matapos na maglabas ang Cebu Regional Trial Court (RTC) Branch 14 ng warrant of arrest kay Espinosa at iba dahil sa kasong murder.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Mula pa noong Enero ay hindi na pumapasok sa kaniyang opisina si Espinosa dahil sa seguridad.

Bilang self-confessed drug trafficker ay nababahala ito sa kaniyang buhay dahil sa ginawa sa kaniyang ama na is Albuera Mayor Rolando Espinosa na pinatay habang nakakulong.

Bago ang kaniyang pagsuko ay itinalaga niya ang kapatid na si Vice Mayor Mariel Marinay na maging acting mayor.

Itinanggi nito na nagtatago siya matapos ang huling paglalabas niya sa publiko noong Enero 20.

Naniniwala ito na ang kasong isinampa sa kaniya ay isang uri ng pamumulitika para sirain ang pagka-alkalde nito.