-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyam sa 10 mga basic goods sa buong bansa ng mananatili ang parehas na presyo.
Ayon sa DTI na mayroong 186 sa kabuuang 205 na mga produkto o 92 percent ng mga basic necessities at prime commodities ang walang pagtaas ng presyo.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng sardinas, instant mami noodles, sabong panlaba, kandila, tinapay, at baterya.
Dagdag pa ni Trade Secretary Cristina Roque na inako ng mga manufactures ang mataas na presyo ng mga raw materials, packaging, logistics at iba.
Noong nakaraang taon rin ay nanawagan ang DTI sa mga producers na huwag munang magtaas ng presyo lalo na tuwing may bagyo at holidays.
Giit ng kalihim na kaparaanan nila ito para protektahan ang mga konsyumers.
















