-- Advertisements --

Tinanghal si US pop star Taylor Swift bilang biggest-selling global artist ng 2025 ng industry body na ( International Federation of the Phonographic Industry) IFPI.

Ito na ang pagn-apat na sunod na taon na nakuha ng singer ang award at pang-anim na beses ng makamit ang taunang premyo.

Naging malaking tulong sa 36-anyos na singer ang paglabas niya ng bagong album na “The Life of a Showgirl” na nagkamit ng ilang streaming records.

Kasama na rin ang paglabas niya ng docuseries at ang matagumpay niyang Eras Tour.

Ayon sa IFPI na ang 2025 ay taon ni Swift dahil sa mga kakaibang accomplishment nito sa mundo ng musika.