-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na magsagawa ng inspeksyon sa Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea.

Ang nasabing direktiba ay kasunod ng pagbubukas ng Kalayaan Municipal Tourism Office ng mga tour packages ngayong buwan.

Layon ng pangulo na makita ng kalihim ang posiblidad ng pagtatayo ng mga paliparan at pantalan para mapaganda pa lalo ang turismo sa lugar.

Kinumpirma ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, na nakausap ng Pangulo ang Kalihim ukol sa nasabing usapin.

Ang munisipilidad ng Kalayaan ay binuo dahil sa KIG sa ilalim ng probinsiya ng Palawan sa pamamagitan ng Presidential decree na inilabas noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr noong 1978.