Madalas umano’y hindi nauunawan si Sen Robin PAdilaa, ayon sa chief of staff ni Padilla na si Atty. Rudolf Philip Jurado, lalo na matapos ang kanyang komentaryo tungkol sa mental health ng kabataan.
Pinaliwanag ni Jurado na ipinapakita ng record ni Padilla ang patuloy na kahandaan nitong makipag-usap sa mahihirap na isyu at magtaguyod ng reporma sa batas batay sa interes ng bansa, kahit may kaakibat na politikal na panganib.
Binanggit niya ang suporta ni Padilla sa anti-dynasty law, usapin sa parliamentary o federal government, medical cannabis, divorce, civil unions, pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, Sabah claim, charter change, at pagbabawal sa social media ng mga menor de edad, mga sensitibo at kontrobersyal na isyu.
Ani Jurado, hindi nag-aatubili ang Senador na itaguyod ang mga isyung itinuturing ng iba na taboo, hindi popular, o may politikal na panganib, kahit ito’y laban sa kanyang sariling interes, sa interes ng kanyang mga kaalyado, o sa opinyon ng publiko. (report by Bombo Jai)
















