Iniulat ng heart journal na maaaring magdoble ang panganib sa mga tao sa sakit sa puso ang paggamit ng marijuana.
Batay sa kanilang nakalap na datos 200 milyong tao umano sa iba’t ibang bansa, edad 19 hanggang 59 ang gumagamit ng cannabis kung saan 29% dito ay may mataas na tsansa ng pagkakaroon ng acute coronary syndrome o sakit sa puso habang 20% dito ang mataas na tsansa ng pagkakaroon ng stroke.
Ayon kay Emilie Jouanjis, propesor ng pharmacology sa University of Toulouse, France, karamihan aniya sa mga apektadong pasyente ay kabataan at walang anumang history ng sakit sa puso o risk factors at nalaman rin na hindi umano naninigarilyo ang mga ito.
Binigyang diin ni Dr. Lynn Silver ng University of California, San Francisco, dapat ituring ng mga doctor at pamahalaan sa iba’t ibang mga bansa na ang marijuana tulad ng paninigarilyo ay mapanganib at dapat na ibabala sa publiko tungkol sa totoong panganib sa kalusugan na nakukuha sa paggamit ng marijuana.
Bagama’t hindi tinukoy sa mga datos kung paano ginamit ang marijuana gaya ng paninigarilyo,vaping o pagkain dito ay malamang umano na ginagamit ito sa pangkaraniwang paninigarilyo na isa sa mga pangunahing paraan para makuha ang epekto nito.
Sa ibang banda, dito sa Pilipinas, una nang ipinahayag ng Simabahang Katolika ang kanilang pag-suporta para illegalized bilang medesina ang cannabis.
Ayon sa 2019 National Household Survey ng Dangerous Drugs Board (DDB), tinatayang 1.67 milyong mga Pilipino, edad 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng iligal na droga kung saan 57% sa mga ito ay gumagamit ng marijuana.
Ibig sabihin, nasa 958,000 na Pinoy ang kasalukuyang gumagamit ng cannabis noong 2019.
Sa 2022 Statistical Analysis ng DDB, lumabas na 27% ng mga pasyenteng nasa rehabilitation centers ang gumagamit ng marijuana.
Una rito, sa 2019 global school-based student health survey para sa mga kabataang Pilipino, edad 13 hanggang 17, 79% ang napagalamang gumagamit ng cannabis sa nakaraang 30-araw.
Bagama’t wala pang partikular na datos kung ilan ang dami ng mga nasasawing Pilipino dahil sa paggamit ng cannabis may mga pag-aaral na nagpapakita ito ng ugnayan ng biglaang atake sa puso.
PROTEKTADO NG BATAS
Nanatiling protektado ng batas sa Pilipinas ang mahigpit na paggamit at pagbebenta ng marijuana ayon ‘yan sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, kung saan iligal ang direktang paggamit o paggawa ng mga cannabis sa bansa at itinuturing ”dangerous drug.”
Kung mahuhuli maaaring humantong ito sa ”life imprisonment to death” at maaring pagbayarin ng P500,000 hanggang P10 million.
Magugunitang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na ang pagbili at paggamit ng anumang produkto ng cannabis, kabilang ang hemp seed oil ay maituturing na iligal.