-- Advertisements --
image 34

Nilinaw ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagkakadawit nito sa isyu ng kontrobersiyal na DDB Philippines na partner advertising firm ng Department of Tourism (DOT) na gumamit ng stock footage mula sa ibang bansa para sa tourism promotional video ng Pilipinas.

Ito ay matapos na i-tag ang ahensiya sa ilang online post, at komento tungkol sa kontrobersiyal na tourism promotional video.

Paliwanag ng ad agency na hindi sila affiliated o walang anumang business relationship sa DDB Group Philippines na isang pribadong kompaniya na nagbibigay ng advertising services.

Pinaalalahanan ng Dangerous Drug Board ang publiko na ito ay isang ahensya ng gobyerno na gumagawa ng patakaran at nagbabalangkas ng mga hakbang para sa pagiwas at pagkontrol sa pag-abuso sa droga.

Kung maaalala, nahaharap ngayon sa matinding pagbatikos mula sa publiko ang DOT at DDB Philippines matapos gumamit ng stock footage ang bagong tourism advertising video ng Pilipinas na “Love the Philippines” mula sa Thailand, Indonesia, at UAE.

Kasunod ng kontrobersiya, tinapos na ng DOT ang kontrata nito sa DDB Philippines.