Inihain ng isang abogado ang petisyon para buong ilahad at maisiwalat ang draft committee report ng Senate blue ribbon committee sa imbestigasyon nito ukol sa maanomalyang flood control projects.
Isinumite ni Atty. Eldrige Marvin Aceron ang Petition for Full Disclosure alinsunod raw sa karapatan ng mamamayan sa impormasyon hinggil sa pampublikong interes sa ilalim ng Article III, Section 7 ng saligang Batas, at nakakalap naman ng higit 300-lagda.
Ito’y kasunod nang kumalat ang detalye ng nag-leak na kopya ng naturang draft report kung saan inirekumenda ng kumite pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson mapakasuhan ng plunder at malversation ang ilang kasalukuyan, at dating senador pati ilang opisyal ng pamahalaan.
Subalit nito binawi nina Sen. Migz Zubiri, JV Ejercito at Win Gatchalian ang kanilang paglagda sa naturang report.
Hiling sa petisyon ni Atty. Aceron na mapanatili ang ‘unredacted version’ at obligahin ang mga umatras na senador ipaliwanag kung bakit inalis ang pirma.
Habang kalakip din dito panawagan pag-inhibit kay Sen. Ejercito sa mga pagdinig ng ethics comittee may kinalaman kay Sen. Chiz Escudero.
Kung maalala, inihain ng abogado ang isang ethics complaint laban sa senador dahil sa 30-milyon piso natanggap na campaign donation mula kay Lawrence Lubiano at higit 16-bilyon piso kontrata iginawa sa kumpanya ni Lubiano.
Ito’y hindi pa naaaksyunan sa kasalukuyan ng Committee on Ethics and Privileges kung kaya’t inihain naman ang ikalawang petisyon laban kay Sen. Ejercito dahil sa umano’y Gross Neglect of Constitutional Duty.
















