-- Advertisements --

Inamin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na siya ang nasa likod ng panukalang iluklok si Senator Loren Legarda bilang unang babaeng Senate president, kapalit ni Senate President Tito Sotto III, ngunit sa 2028 pa.

Ayon kay Zubiri, nagsimula bilang biro ang ideya ngunit pumayag si Sotto basta’t mangyari lamang ang transition matapos mailipat ang Senado sa bagong gusali nito sa Taguig, na inaasahang sa huling bahagi ng 2027.

Nilinaw ni Zubiri na layon ng panukala na manatili sa majority bloc ang kontrol sa liderato ng Senado. Pinabulaanan naman ni Legarda na may alam siya sa umano’y term-sharing, bagama’t iginiit ni Zubiri na naipaalam na ito sa kanya.

Sinabi rin ni Sotto na inaasahang mauupo si Legarda bilang Senate president bago matapos ang kanyang termino sa 2028, kasabay ng pagtatapos ng 20th Congress, at itinanggi ang usapin ng pormal na term-sharing agreement. (report by Bombo Jai)