-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na kinansela na ng 2nd Division nito ang registration ng Duterte Youth bilang isang party-list group. Ngunit, paglilinaw ng komisyon na hindi pa ibig-sabihin nito hindi na sila makakaupo dahil maaari pa silang mag-Motion for Reconsideration sa loob ng limang araw sa division matapos malabas ang resolution.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na bumoto ang division sa botong 2-1 para ideklarang walang bisa ang registration ng Duterte Youth. Nilinaw niya na hindi pa final and executory ang desisyong ito ng division dahil ay iaakyat pa ito sa en banc level.

Dagdag pa ni Garcia na ito pa lamang ay unang hakbang sa kailangang resolbahin ng division matapos ang halos limang taong pagka-pending ng naturang kaso. Kaya naman wala pang epekto ito sa pagkapanalo ng naturang party-list.

Ang petisyon laban sa grupo ay naglalayong kanselahin ang registration nito dahil umano sa kabiguang magsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa accreditation.

Pagtitiyak ni Garcia na hindi ipepressure ng poll body at hahayaan nilang masunod ang proseso para rito. Nang tanungin kung may posibilidad bang makaupo sila sa kalagitnaan na ng 20th Congress, malaki ang posibilidad nito dahil sa ngayon ay gumugulo pa ito.