-- Advertisements --

Tiniyak naman ng Pangulo na pinaghahandaan na ngayon ng gobyerno ang kanilang mga hakbang kasunod ng nagbabadyang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa nangyayaring tensiyon sa middle east partikular sa Iran at Israel.

Aminado ang Pangulo na isang seryosong sitwasyon ang gulo ngayon sa middle east.

” Well, again, we are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So the prices will certainly be affected,” pahayag ni Pang. Marcos.

Dahil dito ayon sa Pangulo inaasahan na nilang magkakaroon ng epekto sa presyo ng gasolina o fuel ang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Bilang tugon sinabi ng pangulo na nakahandang ipatupad ng pamahalaan ang fuel subsidy program sa mga maapektuhang stakeholders.

“So the subsidies that we have always given, fuel subsidies, that we gave to, if you remember during the pandemic, lalong-lalong na yung mga napapasada, yung mga may hanapbuhay naman sila, binigyan nating fuel subsidies. Now we will have to do the same for those who are severely affected, stakeholders, by any instability in the price of oil. Yes, it’s a serious problem,” wika ng Pang. Marcos.