Pangungunahan ng Office of Civil Defense ang pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Hunyo 19 ng taong ito.
Kaugnay nito ay hinikayat ng ahensya ang publiko na makilahok sa gaganaping aktibidad na ito.
Batay sa abiso na inilabas ng OCD, nakatakdang isagawa ang ceremonial pressing of the button sa Dipolog City Sports Complex pagsapit ng alas 9 ng umaga.
Itatampok sa isasagawang drills ay mga makatotohanang pangyayari sa sandaling tumama ang malakas na lindol sa Pilipinas.
Kinabibilangan ito ng paglalatag ng Regional at Local Emergency Operations Centers, pagbuo ng Regional Incident Management Team at maging ang Management of the Dead and the Missing.
Isasagawa rin sa pagsasanay ang Aeromedical Rescue and Vehicle Extrication Collapsed Structure Search and Rescue at power restoration.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa The Big One na pinangangambahang tatama sa bansa.