-- Advertisements --
Nailipat na sa Philippine General Hospital si dating Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr.
Pasado alas-12 ng hating gabi nitong Hunyo 18 ng dalhin sa PGH mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dating mambabatas dahil sa labis na pananakit sa tiyan.
Naging mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad sa palibot ng PGH.
Una ng sinabi ng abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio na inirekomenda ng doctor ng dating mambabatas na ito ay dapat sumailalim sa operasyon.
Hiniling nila na kung puwede dalhin ito sa pribadong pagamutan subalit ito ay tinanggihan ng mga otoridad.
Nahaharap sa patong-patong na kaso si Teves dahil sa siya ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023.