Vanessa Bryatn
-- Advertisements --

Ibinunyag ng asawa ng namayapang NBA star Kobe Bryant na si Vanessa kung paano niya unang nalaman ang pagkamatay ng knaiyang asawa at anak nito.

Sinabi nito na unang nalaman niya ang insidente sa pamamagitan ng social media.

Maraming mga notification sa kaniyang telepono at social media account na nagsasabing “RIP Kobe”.

Isa ito sa naging pagbubunyag ni Vanessa kasabay ng pagsampa niya ng kaso sa Los Angeles County Sheriff Department dahil sa kapabayaan at invasion of privacy.

Base kasi sa kaniya na inilabas ng mga otoridad ang mga larawan ng asawa at anak nito ng walang paalam sa kaniya.

-- Advertisement --

Magugunitang Enero noong nakaraang taon ng nasawi ang dating Los Angeles Lakers star kasama ang anak na si Gianna at siyam na iba pa ng bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter.