-- Advertisements --

Nag-isyu ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga ticket sa mahigit 50 sasakyan sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Inisyu ang mga ticket sa mga pangunahing kalsada at sa Mabuhay lanes sa isinagawang operasyon ng MMDA Special Operations Group-Task Force for Road Clearing.

Kabilang dito ang EDSA Balintawak (Northbound), EDSA MCU (Northbound), Samson Road, Dagat-Dagatan, at C3 Road sa Caloocan, Letre, Malabon.

Samantala, ayon pa sa ahensya, limang sasakyan naman ang hinatak at dinala sa kanilang impounding site sa Tumana, Marikina.