Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bahagyang pagbaha sa EDSA Shaw Tunnel northbound lane sa Mandaluyong City nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ulat, ang tubig baha ay gutter-deep ngunit passable pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ang insidenteng ito ay bahagi ng patuloy na epekto ng habagat o southwest monsoon na pinalalakas ng bagyong Nando at Mirasol, na nagdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig na lugar.
Sa mga nakaraang linggo, ilang bahagi sa Mandaluyong at kalapit na lungsod ay nakaranas na rin ng pagbaha dulot ng malalakas na ulan.
Bagamat hindi pa lubhang nakaaapekto sa daloy ng trapiko, pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho sa mga bahaging may tubig baha.
Patuloy ding mino-monitor ng MMDA ang sitwasyon upang agad na makapagbigay ng abiso kung lalala ang kondisyon ng kalsada.