Istriktong ipapatupad ngayong araw , Enero 2, ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsita sa mga electric tricycles, o e-trikes sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Ang mga pangunahing kalsada ay kinabibilangan ng kahabaan ng Quirino Avenue patugong Magallanes hanggang South Luzon Expressway, Epifanio de los Santos Avenue, C-5 Road at Roxas Boulevard.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na ang nasabing pagbabawal ay para na rin sa kaligtasan ng mga may-ari ng ebike dahil ang nasabing mga kalsada ay ginawa para sa mga mabibilis na sasakyan.
Magpapakalat sila ng mga enforcers sa mga kritikal na lugar para bigyan ng impormasyon ang mga motorista at matiyak na ipinapatupad ng tama ang batas.
Ang mga maaresto na nagmamaneho ng e-trikes sa pinagbabawal na lugar ay mahaharap sa parusa kasama na ang pagmumulta at ang posibilidad na pag-impound ng kanilang sasakyan.
















