-- Advertisements --
Sumakabilang buhay na ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Benjamin “Bong” Duterte.
Kinumpirma ng pinsan ng dating Pangulo na si Nitzkie Lopez Sadusta ang malungkot na balita ngayong Sabado, Pebrero 7, 2026.
Sa isang post online, ipinahayag nito ang kanilang pagdadalamhati bagamat hindi nabanggit ang dahilan ng pagpanaw ng kapatid ng dating Pangulo.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag mula sa pamilya Duterte.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Duterte supporters sa pagpanaw ng nakababatang kapatid ng dating Pangulo.
Huling nakita sa publiko si Bong Duterte sa ilang mga panayam sa kaniyang pagdalaw sa kaniyang kapatid na si dating Pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands.
















