-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Metropoitan Manila Development Authority (MMDA) na bahayagng nagkaroon ng paggaan ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay kahit na patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng busway.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, na sa ikalawa at ikatlong linggo ng Disyembre ay umaabot ang volume ng sasakyan ng 440,000 kada araw.

Habang noong sinimulan na ang busway rehabilitation period ay bumaba ang bilang ng mga sasakyan na naging 200,000 kada araw na lamang.

Dagdag pa nito na maganda ang tiyempo ng nasabing pagsasaayos ng EDSA busway sa Disyembre dahil sa karamihan sa mga mamamayan ay nasa abroad o nasa probinsiya.