-- Advertisements --

Inanunsiyo ng sikat na K-pop boy band group na BTS ang kanilang comeback sa 2026 matapos ang kanilang mandatory military service.

Sa video livestream ng grupo, sinabi ng BTS leader na si Kim Nam-joon o RM na simula ngayong July plinaplano nilang magsama-sama at magpokus sa paggawa ng mga kanta.

Kung saan ang kanilang group album ay opisyal na ilalabas sa susunod na spring, na karaniwang nagsisimula sa Marso hanggang Mayo.

Magkakaroon din aniya sila ng world tour kayat umaasa silang aabangan ito ng kanilang fans na Armys.

Ibinunyag din ng BTS ang kanilang plano ngayong buwan na magtungo sa US kung saan lahat ng 7 members ay unti-unting magsasama para simulan ang kanilang music production at paghandaan ang kanilang nalalapit na performances.

Sakali namang ma-release ang kanilang bagong album sa 2026, ito ang kanilang kauna-unahang comeback album sa nakalipas na apat na taon mula nang huli nilang i-release ang kanilang album na “Proof” na naging best selling album noong 2022 sa South Korea kung saan sold out ang halos 3.5 milyong copies nito.