-- Advertisements --

Natukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang kinaroroonan ng M/V Trisha Kerstin 3.

Ayon sa PCG, nakita ang barko sa ilalim ng karagatan sa tapa ng Baluk-Baluk Island.

Dagdag pa nito na sa pinagsamang tulon ng Search and Rescue team na binubuo ng mga ahensiya ng gobyerno at mga volunteer na mga mangingisda ay nakita rin nila ang isang bangkay.

Pumalo na rin ngayon sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa insidente habang ang bilang ng mga nakaligtas ay nananatiling nasa 316.

Magugunitang lumubog ang bangka sa karagatan ng Basilan ng madaling araw ng Enero 26 kung saan dahil sa insidente ay itinigil ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang operasyon ng Aleson Shipping Lines ang kumpanya na may-ari ng nasabing bangka.