-- Advertisements --
Nagbigay ng katumbas na P4 milyon sa isang charity si BTS member Jin sa kaniyang ika-33 kaarawan.
Ibinahagi nito ang halaga sa Busan Namgwang Social Welfare Society.
Si Jin ang pinakamatandang miyembro na South Korean Group.
Ang kaniyang donasyon ay magbibigay suporta sa mga naghihirap na miyembro ng lokal na komunidad kung saan prioridad dito ang mga kapakanan ng mga kabataan.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga fans ng grupo kung saan ipinagmalaki nila ang ginawang kabutihan ni Jin.
















