-- Advertisements --
Inanunsiyo ng K-pop group na BTS ang muli nilang paglabas ng bagong album.
Sa kanilang social media account ay itinakda sa Marso 20 ang paglabas ng nasabing album.
Ito ang unang album matapos ang halos apat na taon.
Huling album na inilabas ng grupo ay ang “Proof” noong Hunyo 2022 na sinundan ng kanilang pamamahinga dahil sa military service.
Bago ang anunsiyo ay bawat miyembro ay nagpahapyaw ng paglabas ng nasabing bagong album.
















